Posts Tagged Life
Water Fun Apr 18
Biglaan na swimming lang ito pero ang saya grabe :D, sa waterfun sa commonwealth, solve din magkano lang naman yung entrance e.. 2 slide at 4 na pool
Mga kasama
JOMAR
JOEMARIE
RODELINO
ERICK
TATA
LABO
JAYJAY
AARON
DREXEL
CATH
JOAN
MEAN
Huling El Bimbo - love ko to
ok na sana panget lang nang ending
Welcome 2009
Welcome nga pala 2009 sana mas ok ito kesa sa 2008, ano-ano ba mga nangyari sakin noong sa 2008?
Sa work dami kong error badtrip nga e, pero promise inaayos ko yung mga ginagawa ko, talaga hindi lang maiwasan at hindi ko naman sinasadya tsktsk.
Sa work hehe one year na kami nila albert at mhar, sana may allowance na at may traspo, pagholiday kasi wala kami e BIG BIG SMILE
lovelife? nagmahal umasa nabigo, nang-iwan iniwan iniwanan, nagmahal minahal nagmamahal.
pagka batangisip? wala parin yung Ragnarok online 2 dito sa pinas sabi nila sa Dec e-lulunch, sana this 2008 marelease na sya dito geez hindi na ako makapaghintay
I wish that 2009 would be a great year for all of us
Wish List
Dec 15 palang naman pahabol nga nang wish list
Server - Gusto ko magkaroon nang sarili kong server para dito sa site ko. Hehe hindi naman masama mag Wish diba?
Car - Parang ang sarap kasi pag may sarili kang kotse kahit late kanang gumising e mabilis ka lang makakapunta sa office wala namang traffic sa time namin 11pm yung pasok. Although mukang masakit sa ulo yung mga maintenance
Happiness - masaya naman yung buhay, sana this coming year 2009 ganun padin
okey - okey sa family, sana bati na talaga si mama at papa, wag na ma addict kapatid ko sa laro or let say sana ma-control nya (nakakalimutan kasing kumain e nangangayayat) Nakikita ko yung sarili ko sa kapatid ko dati. Jeboy tama na yang flyff ang Payat muna kaya kita nababatukan e nakakaasar ka kasi
Nameless Post #4
Oopss kakauwi ko lang day off ko kasi kanina e sympre galaan to the max nanaman yung nangyari, taong involved? hmm 5 persons lang naman no need to specify their names. may mga naiisip lang ako bigla kaya bigla din ako nag post.
(1) 2 days off - siguro hindi ako nakakagala ngayon kung hindi dalawa yung off ko, nung dati kasi nasa CherryFoodarama ako nagwowork e isa lang yung restday walang time para gumala at magsaya kasi bukod sa whole day yung pasok dun e nakakpagod talaga Physically although masaya naman kasi kwela yung mga kasama mo (magkakasing age kasi kami)
(2) Cash(Financial) control (Note im not rich) - since ever naman wala akong financial control i really hate na hindi ko macontrol yung ganito ugali ko, BAD kasi kahit may mas kelangan pa akong paggugulan nang pera e kung saan saan ko lang ito ginagastos. Basta pag alam kong may pera ako parang ang kati-kati nang kamay ko tsktsk nasa New years resolution ko na E-eliminate yung ganitong dark na ugali ko,
(3) bisaya - may untie(age 21) akong visaya at hindi ko talaga sya gusto kasi minsan may topak correction hindi pala minsan PALAGI yap palagi syang may topak, minsan nanggigigil na ako sa kanya pero iniintindi ko lang, ayoko nalang magsalita,
naaasar talaga ako matanda lang sya nang isang taon sakin e
1st Post in december
Yahoo may google adsense na din ako thanks sa tulong nila Bossing Alfonso at lorie Thank You po, Belated happy Thanksgiving at advance Mery Christmas sa inyong dalawa.
Christmas nanaman Malamig na simoy nang Hangin, Every Corner nang Daan may mga decor Lalo na pag gabi, Nung November 30 nga nasa Cubao ako grabe ang dami padin tao kahit late na mga 12midnight na ata yun, Agaw pansin dun yung Malaking Christmas tree sa gitna nang mga establishment. Well hindi naman talaga ako affected kong pasok na parang walang lang naman sakin Kahit new years eve. Naalala ko every year nakakatulog ako pag new years eve e diba bawal matulog nun? so todo gising naman tong mama ko kasi nga malas daw yun. Pero nung nang College ako
lumalayas nalang ako, pumupunta ako sa mga friend ko parang mas ok pa kasi silang kasama kesa sa pamilya ko, Hindi naman sa may sama ako nang loob sa pamilya ko Pero mas nasasayahan lang ako pag mga kaibigan ko yung kasama ko.
teka napakwento ako ah.. Hindi to kasama sa plano mag papasalamat lang naman ako sana e.
Nameless Post #3
walang magawa post muna tayo. panget magbantay nang Shop pag mga pasaway yung mga customer grabe, mag-rerent nang 30minutes, then pagmagtitime na Last game daw, naka 2 last game na ayaw padin tumayo (sarap Batukan) then mag eextend naman badtrip at alam nyo ba kung ano? naka 4 hours syang ganun.. 30min nang 30min. dapat hindi ganun sarap e Band dito sa shop kung pwede lang mga band e. Buti pa sa Shop dun sa School namin dati yung mga nagbabantay e walang kapagod pagod, take note hindi automated Turn-off yung mga P.C pag nagtitime, yung ginagawa lang nila e e-nonote lang nila yung oras kung saan ka nang start at bhala kana kung tatayo ka o hindi, galing nga e mga professional yung mga tao dun (mga Studyante kasi) unlike dito mga tambay sa kanto yung mga magrerent. May mag rerent ngang maayos ka deal (maayos na customer) pero bihira lang sarap ngang orasan e, hay wala lang naglabas lang nang sama nang loob.
sino kayang mabait ang mag-lalagay nang Google ads ko?, may account na ako sa google. at approve na din nila yung site ko.. hmmm palagay naman :((
Correction sabi ni Albert hindi auto-shutdown, basta nadidisable lang yung control mo then magwawallpaper nalang bigla pag time kana, ayos nb pareng albert?
Ate lorie :)) promise ate ah? hindi ko talaga alam e. ayoko naman mag experiment baka kasi masira yung site ko ate ee,
pano? hmm Email ko ate yung FTP Access, MySQL Access, Google account Access at Site access ko sayo ok naba yun?
@Lorie and alfonso - Bossing ano ba yung Channels nang Google ads?
Oppps Thanks ulit Bossing
my Google ads na ako dun lang pala lalagay yun e. Hindi ko kasi alam.
(Sem Break) venue: Apartelle 24
(^^,) i don’t know how to start … let me sleep first Goodnight New York, Good Morning Philippines
the title of this is after the place name, the venue are combined apartlle and swimming pools
okay it all started here, my friend in high school had texted me late in the evening inviting me to join their mini reunion, actually here girlfriend reunion with her high school batchmates. (we are not really attached to them :laugh: ) but since her girlfriend insisted that we can also join, so why not huh?
the event will be on November 9, 2008. my day offs are Wednesday and Sunday, good thing Nov 9 is Sunday there is nothing to worry about i have my full time to enjoy the event.
after the work straight to my friend house, pack up the things that needed then go. my friend girlfriend place is located in sta. lucia the event venue is near in her place, we need to get there before 11am, it is almost 10:30am so we need hurry
when we get there, foods and drinks are prepared, the place was great, all we need to do is enjoy the moment and get bonded with each other
Nameless post #2
My mind is not functioning well, there are so many things to do, there’s no idea to post, Im so Busy this few days regarding personal problem there is no time to think, (^^,) all i want is to rest
since im already here, Belated happy Halloween Guys.
Albert, Alfonso, Lorie, Chay, Mhar, Arrel And Ella
Bus Part 2
This is continuation nang post ni arrel.
Namimili kaba nang bus? o yung tipong kung ano lang yung dumating agad yun na yung sasakyan mo?. dito kasi sa pilipinas may 2 uri nang bus. may ordinary at may aircon, karamihan nang ordinary type na bus hay naku napakatagal kung san yung trapic dun talaga dadaan, kung saan maraming tao dun hihinto at kahit wala naman nang sasakay nakatambay parin pero meron din naman mga bus na ordinary na okey for example yung NOVA na bus minsan lang ako dito makasakay kasi kunti palang yung population nang bus type na eto, yung ugali nito ni nova e dadaan talaga sa express lane kaya confident ako na once makasakay dito e mas maaga ako dadating sa sa office or sa bahay.
Yung aircon type naman like arrel said yung JAYROSS, MANNROSE, KELENS at FERMINA naman yung ok pag aircon type na bus, bukod sa malakas na aircon sa loob, bukod sa cool na environment, TV at comfortable seat e yung mga chix pa (^^,) joke lang, pero astig talaga yung mga bus na yan, ilang beses ko na din na notice eto nasa crossing ako at madami kaming commuter na nag-aabang nang bus and ang dami dami nang bus type na dumaan, pa isa-isa lang yung sumakay sa mga yun e nung dumaan yung kelens hehe halos lahat kami dun sumakay hay naku kala ko kami lang ni rey mapili sa bus ang dami pala namin.
Note: once na nabalita yung sa JAYROSS sa tv pinatay yung driver ang bilis kasi mag drive e mukang mainitin pa ulo nang nagdradrive nang private vehicle nag bumaril sa kanya hindi ko alam yung extact details pero kakatakot din kaya pag yan mga yan sasakyan nyo wag kayo malapit sa driver seat paalala lang kaibigan










Recent Comments