Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni Hesuristo. Taon-taon, ipinagdiriwang ito ng mga Filipino upang palalimin ang kanilang pananampalataya, habang binubuhay ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at pamamanata. Nakikiisa ang mga Filipino sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala sila na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik bilang patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya.
Ang Mahal na Araw ay nagsisimula pagsapit ng Miyerkoles ng Abo, ang araw na kinukrusan ng abo sa noo ang mga deboto bilang tanda ng kanilang pagsisisi. Paalaala rin iyon na “sa abo nagmula ang lahat, at sa abo rin magbabalik pagsapit ng wakas.” Miyerkoles ng Abo ang naghuhudyat ng pagbubukas ng panahon ng pagsisisi, pag-aayuno, at pangungumpisal, na pawang paghahanda sa malagim na pasyon ni Hesukristo sa kamay ng kaniyang mga tagausig. Tumatagal nang 40 araw ang taunang tradisyon, at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo na ginaganap pagsapit ng Linggo.
Kilala ang mga Filipino sa paggunita ng Mahal na Araw. Ito ang kanilang paraan upang magbalik-loob sa Diyos at talikuran ang kanilang mga maling pamumuhay.
Pagbabago
Before start palang ng Holy week wala ng palabas sa tv, ngayon normal na araw nalang
Before may mga pabasa kahit sa mga civilize na lugar, ngayon wala na

#1 by jeniffer on April 3rd, 2010
ui.. musta? Happy Holyweeek..
#2 by Jomar on April 3rd, 2010
same to you ate… busybusyhan ka ata ah? :p
#3 by Len on April 22nd, 2010
hello jom, musta na? busy kannaman? akodin eh, pakonti konti ang post. hehee
ingats!
#4 by admin on April 23rd, 2010
lage naman akong bust ate :p … musta dyan? kelan ka uwi pinas?